Monday, May 1, 2017

Huwag Na Lang

Susugal pa ba sa laro ng tadhana,
Kung alam na ang sagot ay wala talaga?
Ibibigay pa ba ang lahat,
Kung ito naman sa'yo ay hindi sapat?

Aanhin ang pagpapakasakit,
Kung ikaw naman ay nakapikit?
Damdami'y ibabaon na lang ba?
Hahayaan na lang na ito ay mawala?

Maaaring hindi talaga
Isa nanamang aral sa akala
Huwag na lang sigurong ipilit
Para hindi na makasakit

Ngunit paano nga kaya?
Kung nagkaroon ng tayong dalawa?
Dapat pa bang isipin kung ano ang sana?
O huwag na lang kaya para hindi na umasa?

No comments:

Post a Comment