Friday, December 2, 2016

Aral sa Akala

Sa payapang lugar, ako’y nangupo,
Muling siniyasat ang aking puso.
Matagal-tagal na ako’y umasa.
Iyon pala’y isa lamang akala.

Bawat tagpo ay puno ng pangako.
Saglitang sulyap, tila nanunuyo.
Sa’king pang-unawa ay ikaw na nga.
Naglaro lang pala itong tadhana.

Salamat na rin sapagkat natuto,
Natutong maghintay ng dahil sa’yo.
Ang hatid mo ay higit pa sa saya,
Naging sangkap nang ako’y magtiwala.

‘Di man alam kung saan ka nagtungo.
Salamat dahil ako ay lumago.
Hanggang sa muli nating pagkikita,
Ikaw na isang aral sa akala.

No comments:

Post a Comment