Wednesday, November 30, 2016

Ikaw Na Ba?

Hindi maalala kung kailan unang nakita.
Hindi alam kung paano nagsimula.
Noo'y isa lamang sa maraming mukha.
Ngayon tanong ko'y ikaw na ba?

Sa paglipas ng araw,
Katauhan mo'y wala pa ring linaw.
Ngunit t'wing ika'y natatanaw,
Puso ko'y natutunaw.

Nagdaan ang maraming buwan,
Tila may iba ng nararamdaman.
Hindi man alam ang iyong pangalan,
Bakit nga ba 'di natin simulan?

Araw-araw ako'y umaasa.
Sa gabi'y hiling-hiling ka.
Nais na ikaw ay makilala.
Panalangin ko'y sana ikaw na nga.

---

A poem I wrote for BPI guy.

No comments:

Post a Comment